Maging Maingat
Hindi ko na maalala lahat ng itinuro sa akin ng tagapagturo ko sa pagmamaneho. Pero may limang salitang talagang tumatak sa isip ko: suriin, kilalanin, isipin, madesisyon, at isagawa. Dapat laging suriin nang mabuti ang daan, kilalanin ang mga panganib, isipin kung ano ang maaring idulot ng panganib, magdesisyon kung paano tutugon, at kung kinakailangan, isagawa ang nabuong plano. Isa itong paraan para…
Kahanga-hangang Gantimpala
Isang guro si Donelan at nagbunga ang pagiging palabasa niya. Habang nagpaplano siya para sa isang bakasyon, binasa niya ang napakahabang kontrata ng kanyang travel insurance. Nang makarating na siya sa ika-7 pahina, laking gulat niya nang madiskubre na may matatanggap siyang gantimpala dahil nakaabot siya sa pahinang iyon.
Bahagi pala ito ng isang patimpalak ng kumpanya ng insurance kung saan…
Paano Ako Nakarating Dito?
Nagising si Tiffani sa loob ng madilim na eroplano. Nakatulog siya habang nakahinto na ang eroplano at nakababa na ang lahat ng pasahero. Bakit walang gumising sa kanya? Paano siya napunta roon? Pinilit niyang alalahanin ang mga pangyayari.
Natagpuan mo na ba ang sarili mo sa isang lugar na hindi mo inaasahan? Masyado ka pang bata para magkasakit ng malala at wala…
Pinatawad Lahat
Isa si Corrie ten Boom sa mga mapalad na nakaligtas mula sa Holocaust. Dahil sa karanasan niya, nalalaman niya ang kahalagahan ng pagpapatawad. Sinabi niya sa kanyang libro na Tramp for the Lord, “Kapag humingi tayo ng tawad sa Dios, inihahagis Niya ito sa kailaliman ng dagat. Napawi na ito magpakailanman. Naniniwala ako na pagkatapos ay naglalagay ang Dios ng…
Para Sa Isa’t Isa
“Inaalagaan ko siya. Masaya ako kapag masaya siya.” Ito ang sabi ni Stella tungkol sa kanyang asawang si Merle. Ang sagot naman ni Merle, “Masaya ako kapag kasama ko siya.” 79 na taon nang kasal ang mag-asawa. Nang dinala si Merle kamakailan lang sa isang lugar kung saan inaalagaan ang mga matatanda, lubos siyang nalungkot kaya inuwi na lamang siya…